Wednesday, April 29, 2009

saglit lang sya bata.....

hagkan mo na sya at halikan,

habang di pa sya pumapalag sa iyong mga yakap....


kargahin mo na sya at ihele,


habang kasya pa sya sa iyong bisig....


paliguan mo na sya at bihisan,


habang hindi pa nya kaya gawin iyun mag-isa....


laruin mo na sya at iduyan,


habang natutuwa pa sya sa iyong mga ngiti...


tabihan mo na sya sa pagtulog,


habang hanap pa nya ang iyong mga yakap...


isama mo na sya sa iyong pupuntahan,


habang humahabol pa sya sa iyong pag-alis...


turuan mo na syang maglakad at magsalita,


habang nakikinig pa sya sayo...


basahan mo na sya at kantahan,


habang naaaliw pa sya sa yong himig...





gawin mo na ang lahat ng iyan,


dahil saglit lang sya sanggol...





ang dati mong kinakarga,
ilang sandali lang ay tatakbo na.


ang dati mong hinehele,
ilang sandali lang ay nakakatulog na mag-isa.


ang dating humahabol sa iyong pag-alis,
ilang sandali lang ay iyo ng hahabulin.


ang dating hindi marunong magsalita,
ilang saglit lang ay marami ng nasasabi.






sa isang kurap, isang iglap,


ang dating sanggol, ngayon ay bata na.


at marahil ngayon ay alam mo na,


saglit lang sya bata......